TINANGGI | Kudeta laban sa House Speaker, pinabulaanan

Manila, Philippines – Itinanggi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang tungkol sa pagpapalit ng liderato ng Kamara.

Ito ay matapos kumalat ang balitang kinakausap na ng ilang kongresista si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo tungkol sa speakership.

Ayon kay Alvarez, hindi din niya alam ang tungkol sa isyung ikukudeta ang kanyang liderato.


Tiwala ang Speaker na suportado pa rin ng mayorya ng mga kongresista ang kanyang liderato.

Una rito, tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque na “wishful thinking” ang anumang tangkang palitan si Alvarez dahil nananatili anya ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Speaker.

Lumutang ang umano’y napipintong kudeta sa Kamara kasunod ng isyu sa pagitan ni Alvarez at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Facebook Comments