TINANGGIHAN | Apela ni Sen. De Lima na makadalo sa oral arguments kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC, muling binasura

Manila, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon, tinanggihan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Senadora Leila de Lima na makadalo sa oral arguments sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC).

Sa botong 10-3, sinabi ng Korte Suprema na walang bagong argumento na ipiniresenta ang senadora sa kanyang Motion for Reconsideration (MR).

Una nang tinanggihan ng Supreme Court (SC) noong August 17 ang mosyon ni De Lima na humihiling na makadalo sya sa oral arguments.


Ikinonsidera ng Kataas-Taasang Hukuman ang seguridad na kailangang ilatag para sa senadora kapag inilabas siya sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center.

Samantala, tuloy na sa Martes, Agosto bente otso ang oral arguments na makailang beses ding naipagpaliban.

Facebook Comments