TINANGGIHAN | Justice Sec. Guevarra, tumanggi munang i-review ang kontrata ng DOJ sa security agency ng pamilya ni SolGen Calida

Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Sec. Menardo Guevarra na wala pang pangangailangan sa ngayon para i-review ang kontrata ng DOJ sa Vigilant Invesigative and Security Agency o VISAI na pag-mamaya-ari ng pamilya ni Solicitor General Jose Calida

Sinabi ni Sec. Guevarra na dumaan naman kasi sa proseso ang kontrata sa DOJ ng VISAI

Sa kabila nito, inihayag ni Guevarra na mas magiging maingat na ang DOJ sa mga susunod na kontratang papasukin nito.


Kasama kasi ang DOJ sa mga may kontrata sa VISAI, ang security agency na sinasabing pag-mamay-ari ng misis ni Calida na si Ginang Milagros Calida.

Sinasabing umabot sa P150.8-Million ang halaga ng kontratang nakuha ng security firm ng pamilya Calida mula sa tinatayang anim na ahensya ng pamahalaan.

Kabilang dito ang National Parks Development Committee, National Anti-Poverty Commission at National Economic and Development Authority mula 2016 hanggang 2018.

Facebook Comments