Tinapay at matatamis na sitsirya, nagbabadyang magmahal dahil sa mataas na presyo ng asukal

Nagbabadya na ring magtaas-presyo ang matatamis na sitsirya sa gitna ng nagmamahal na presyo ng asukal.

Ayon kay Philippine Confectionary, Biscuit, Snacks Association President Kissinger Sy, kinakailangan din nilang ma-stabilize ang presyo ng kanilang mga produkto para makabangon mula sa epekto ng pandemya.

Aniya, hindi na siya magtataka kung malugi o magsara partikular ang maliliit na negosyo na kulang ang pambili ng asukal.


Kung magkataon ay sunod nitong maaapektuhan ang mga manggagawa na posibleng mawalan ng trabaho.

Nabatid na umabot na sa ₱100 ang presyo ng kada kilo ng refined sugar sa ilang pamilihan.

Maging ang malalaking kompanya ng softdrinks kinumpirmang nagkukulang na ng supply ng asukal.

Humihirit na rin ng apat na pisong taas-presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ang mga grupo ng mga baker dahil sa mahal na presyo ng asukal at iba pang cost input sa paggawa ng tinapay.

Facebook Comments