
Inirekomenda ni Senator JV Ejercito na ilipat ang ilang bahagi ng inalis na P250 billion flood control project funds sa mga big ticket item na para rin sa paglaban sa baha.
Ayon kay Ejercito, may mga malalaking flood control project na nangangailangan ng pondo para tuluyang matapos gaya na lamang sa Central Luzon.
Tinukoy ng Senador ang mga malalaking floodways, dams, water impounding, at spillways na naghihintay lamang ng pagkakataon na mapagawa.
Sa mga malalaking proyekto na ito ay hands-off o walang pakialam dito ang mga distrito ng mga kongresista kaya hindi mapanghihimasukan ang pondo.
Binigyang-diin ni Ejercito na hindi pa rin dapat hayaan na malubog sa baha ang mga kababayan dahil sa susunod na dalawa o tatlong taon na walang tinatapos na proyekto ay malulubog pa rin sa baha ang mga residente.









