TINATAGONG ARMAS | 8 matataas na kalibre ng armas ng NPA, narekober ng militar sa Maco, Compostella Valley

Compostella Valley – Narekober ng tropa ng 71st Infantry Battalion ng
Philippine Army ang walong matataas na kalibre ng armas sa Barangay Limbo,
Maco, Compostella Valley kaninang umaga.

Ayon kay Lt. Col. Estevyn Ducusin ang Commanding Officer ng 71st Infantry
Battalion ng Philippine Army nakatanggap sila ng impormasyon na may mga
itinagong mga baril ang Communist Party of the Philippines- New People’s
Army sa Barangay Limbo.

Agad silang nagsagawa ng search operation sa barangay at kanilang narekober
ang walong armas sa isang poultry house malapit sa bahay ng isang NPA
supporter.


Ang mga narekober na armas ay anim na m16a1 rifle at dalawang ak 47, nakuha
rin ang tatlong radio na may charger at mga mahahalagang dokumento ng NPA.

Sa ngayon nasa headquarters na ng 71st Infantry Batallion ng Philippine
Army ang mga narekober na armas.

Facebook Comments