TINATAYANG 1.9-MILYONG NG NATIONAL ID, NAIHATID NA NG PSA SA MGA PILIPINO SA ILOCOS REGION

Hindi bababa sa 1.9 milyong identification card (ID) ang naihatid sa Ilocos Region noong Marso 31 ngayong taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa kabuuang bilang, na 156,424 ang naihatid sa lalawigan ng Ilocos Norte; 342,955 sa Ilocos Sur; 403,749 sa La Union; at 1.04 milyon sa lalawigan ng Pangasinan na siyang pinakamarami.
Sa virtual forum nitong Huwebes, sinabi ni PSA Ilocos regional director Sheila de Guzman na ang PSA ay patuloy na nakikipagtulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas ay para mabilis na ma-imprenta at magawa ang mga produksyon, at ang Philippine Postal Corporation (Post Office) para sa mabilis na paghahatid ng Mga ID sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys).
Samantala, Nasa 4.04 milyong indibidwal na ang nakarehistro para sa Step 2 sa PhilSys noong Marso 31, ayon sa PSA.
Matatandaan na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Agosto 2018, ang Republic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act ay naglalayong magtatag ng iisang national ID para sa lahat ng Filipino at resident alien.
Ang national ID ay isang wastong patunay ng pagkakakilanlan at isang paraan para maging simple ang transaksyon pampubliko man o pribado at magagamit bilang initial na dokumento sa pagpapatala sa mga paaralan, at pagbubukas ng mga bank account.
Facebook Comments