Manila, Philippines – Nakatakdang i-repatriate o pauwiin sa Pilipinas ang 100 Pilipino dahil sa pananalasa ng hurricane Irma.
Sabi ni Charge d’Affaires Patrick Chuasoto ng Philippine Embassy sa Washington, mahigit 90 sa 264 Overseas Filipino Workers sa British Virgin Islands ang personal na humiling na makauwi sila sa Pilipinas.
Ito aniya ay dahil sa kakulangan ng matutuluyan, mga gamot at iba pang pangangailangan matapos iwan ang kani-kanilang mga bahay.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa British Virgin Island at sa Puerto Rico na magpapadala sila ng mga tauhan para ilikas ang mga OFW sa lalong madaling panahon lalo pa’t may isa pang bagyo na may pangalang ‘hurricane Jose’ na isang category 4 storm ang nagbabadyang pumasok sa nasabing mga isla.