Tinatayang nasa 1,000 solo parents ang kabilang sa unang batch na makakabili ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa ilalim ng programang “Benteng Bigas, Meron Na!” sa Dagupan City.
Ayon ito sa anunsyo ng pamahalaang lungsod kahapon, Marso 30, sa isinagawang flag ceremony.
Ayon sa LGU, aabot sa 3,000 sako ng bigas ang inaasahang maibebenta sa nasabing rollout ng programa.
Target nitong ibenta ang abot-kayang bigas sa mga minimum wage earners, vulnerable sectors at mga pamilyang may mababang kita sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture (DA).
Kaugnay nito, inanunsyo rin ng LGU na susunod na makikinabang sa programa ang mga tricycle drivers ngayong Martes, Marso 31. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









