Tinatayang 19 na milyong indibidwal, magpapaturok ng booster shot

Nasa 19 na milyong indibidwal ang inaasahan ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na magpapaturok na ng booster shot laban sa COVID-19.

Pahayag ito ni NVOC Dr. Kezia Rosario kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagpapaikli ng panahon sa pagitan ng second dose at additional doses ng COVID vaccines sa tatlong buwan, mula sa orihinal na anim na buwan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rosario na ang mga indibidwal na ito ay iyong mga una nang nakakumpleto ng bakuna, simula Marso hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.


Aniya sapat ang COVID-19 vaccine supply ng bansa, upang magbigay ng additional doses, bukod pa sa primary series ng bakuna.

Sa kasalukuyan, nasa 1.2 million na aniya ang nababakunahan ng booster shot, at inaasahan na patuloy pang aakyat ang bilang na ito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments