Marawi City – Tinatayang nasa isang daan hanggang dalawang daan pang sibilyan ang nanatiling hawak ng Maute Terror Group sa Marawi City.
Ito ang kinumpirma sa interview ng RMN kay AFP Public Information Office Chief Col. Edgard Arevalo – matapos mailigtas kahapon sa sampung oras na “humanitarian pause” ng pamahalaan ang limang sibilyan kabilang ang dalawang babae at lalaki at isang bata na napalaya mula sa ground zero.
Ayon kay Arevalo – nangangamba sila na baka magamit ng teroristang grupo ang natitirang bihag na sapilitang pinapahawak ng mga armas para masabing kaisa sila ng Maute.
Samantala – nakakuha rin ng impormasyon ang Armed Forces na nagkakagulo at nagkakawatak-watak na umano ang mga miyembro ng Maute Group.
Facebook Comments