Tinatayang 9,000 pulis, iniugnay ni P-Duterte sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Tinatayang nasa siyam na libong mga pulis sa buong bansa ang di umano’y may kinalaman sa iligal na droga, ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-116th balangiga encounter day sa Eastern Samar.

Ayon sa pangulo, 4.6% o apat sa isang daang mga pulis ang may kinalaman sa illegal drugs, at ito aniya ang dahilan kung bakit mahirap masolusyunan ang problema ng bansa kaugnay dito.

Hindi naman binanggit ng pangulo ang basehan sa pahayag na ito.


Samantala, base sa pinakahuling datos, mula july 1, 2016 hanggang September 16, 2017 nasa 3,850 na mga drug personalities na ang napapatay matapos umanong manlaban sa mga police operations.

Facebook Comments