Tinatayang nasa 200 na mga nagpakila miyembro ng NPA, nagsagawa ng kilos protesta sa Mendiola

Manila, Philippines – Nakatakip ang mga mukha ng pula at berdeng panyo, nagtungo sa Mendiola ang tinatayang nasa 200 mga nagpakilala na miyembro ng New People’s Army, upang magsagawa ng kilos protesta.

Mula sa Recto Avenue, nag martsa ang grupo papuntang Mendiola, dahilan ng bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar.

Kabilang sa isinusulong ng grupo ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng NDFP, gayundin ang mga prinsipyong nakapaloob dito, kasama na ang pagpapalaya ng Administrasyon Duterte sa mgabilanggong pulitikal at ang pagpapatigil ng Oplan Bayanihan na ipinatutupad ng militar.


Tumagal ng mahigit 30 minuto ang kanilang pagkilos, namapayapa namang nagtapos.

Facebook Comments