Ikinatuwa ng ilang residente ng Sitio 6 Brgy. West Rembo, Makati City ang pagbisita ng DZXL 558 Radyo Trabaho.
Kanina ay nagtayo ng community pantry ang DZXL Radyo Trabaho sa nabanggit na lugar katuwang ang Vieva Farmers, Tau Gamma Phi West Rembo Chapter, RMN Foundation Inc. RMN Networks, ACS and Rebisco.
Kabilang sa laman ng pantry ay kalabasa, upo, okra, talong, sitaw, itlog, kamatis, sili, sibuyas, iba’t ibang uri ng pampalasa, may saging at marami pang iba.
Tinatayang nasa 300 ang nabiyayaan ng DZXL Radyo Trabaho Bayanihan ni Juan Community Pantry at ng partners nito.
Hiwalay ang pila ng senior citizen at mga residente na malakas pa kaya’t mas naging mabilis at maganda ang pamimigay.
Ayon kay Nanay Leonor, isang senior citizen, madaling araw ay nakapila na ito, pero sulit naman dahil may upuan siya habang nag-aantay at madami syang naiuwing pagkain.
Sinabi niman ni Vincent Lagaras, Chairman ng Tau Gamma Phi. West Rembo Chapter na ibang saya ang naramdaman nila matapos silang makatulong.
Kasabay ng aktibidad, siniguro na pinapatupad ang lahat ng safety health protocol katuwang ang Brgy. West Rembo at PCP 8 ng Makati Police.