TINAWAGAN | Satur Ocampo, inamin humingi ng tulong kay Bong Go

Manila, Philippines – Inamin ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo na humingi ito ng tulong kay dating Special Assistant to the President Bong Go matapos arestuhin ang kanyang grupo sa kanilang solidarity mission sa Talaignod, Davao del Norte.

Ayon kay Ocampo, tinawagan niya si Go nang harangin sila ng pulis noong gabi ng November 28 matapos nilang sunduin ang mga estudyanteng Lumad at mga guro na inatasang lisanin ang kanilang eskwelahan matapos ikandado ng paramilitary group na Alamara.

Hiniling niya kay Go na payagan silang makaalis.


Aniya, may permiso silang dumiretso sa isang Catholic school sa Talaingod subalit sarado ito noong gabi.

Dahil dito, pwersado silang sumama sa police station kung saan sila nagpalipas ng gabi.

Kwento pa ni Ocampo, kinabukasan ay inanunsyong inaresto sila.

Sinikap muli niyang kontakin si Go, pero hindi na ito matawagan.

Matatandaang sina Ocampo, ACT Teachers Representative France Castro at 16 na iba pa ay nahaharap sa kasong kidnappin at human trafficking dahil sa insidente na kinalaunan ay nakalaya matapos magpiyansa.

Facebook Comments