TINAYAK | SRP ng mga noche buena items, nakapako na hanggang sa katapusan ng 2018 – DTI

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakapako hanggang katapusan ng Disyembre ang Suggested Retail Price ng mga noche buena product.

Sabi ni DTI Division Chief Gerry Calderon – base ito sa napagkasunduan ng ahensya at ng mga manufacturer.

Kabilang sa mga produktong hindi gagalaw ang presyo hanggang matapos ang 2018 ang sandwich spread, mayonnaise, fruit cocktail, pasta at cheese.


Tiniyak din ng DTI na sapat ang suplay ng mga noche buena item.

Pero ang bad news, nakatakdang tumaas ang SRP para sa ilang basic commodities sa Disyembre.

Sa susunod na buwan, maglalabas ang DTI ng listahan ng bagong SRP para sa ilang brand ng de-latang sardinas.

Nangako naman ang mga manufacturer ng mga de-latang karne gaya ng corned beef at meat loaf na hindi sila magmamahal ng presyo hanggang sa katapusan ng taon.

Facebook Comments