Tinayong dike sa San Juan, La Union, tapos na ayon sa DPWH

Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na tapos na ang konstruksyon ng dike sa San Juan, La Union.

Ayon kay Secretary Villar, ang nasabing dike ay may sukat na 70.8-linear meter at may pondong P4.95 million mula sa 2021 General Appropriations Act (GAA).

Aniya, ang dike ay magbibigay proteksyon sa mga nakatira malapit sa creek ng Barangay Ili Sur ng San Juan, La Union lalo na sa kanilang mga ari-arian dahil protektado na ito laban sa mga pagbaha.


Layunin ng nasabing proyekto na mabawasan ang epekto ng pagbaha sa mga low-lying at coastal areas.

Facebook Comments