Tindahan ng mga paputok sa Bulacan, dinagsa ilang araw bago ang pagsalubong ng bagong taon

Isang linggo ito bago ang pagsalubong ng Bagong Taon… dagsa na ang mga mamimili sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng Philippine National Police (PNP) na bawal ang pagbebenta at paggamit ng paputok.

Katwiran ng mga mamimili, hindi na ito maiiwasan dahil tradisyon na ito ng kanilang mga pamilya habang ikinatuwa naman ng mga nagtitinda ang pagdami ng namimili dahil nadaragdagan ang kanilang kita.


Samantala, posibleng tumaas pa ang presyo ng litson sa darating na bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay La Loma Lechoneros Association President Ramon Ferreros, nagmamahal ang lechon dahil na rin sa pagtaas ng demand nito.

Sa ngayon, naglalaro sa P8,000 hanggang P18,000 ang presyo ng lechon sa ilang lugar sa bansa depende sa laki nito.

Facebook Comments