CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng inspeksyon ang mga otoridad sa mga nagtitinda ng paputok sa Lungsod ng Tuguegarao bilang bahagi ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Kabilang sa mga ahensyang nagsagawa ng inspeksyon ay ang Tuguegarao Component City Police Station, BFP Tuguegarao Fire Station, Traffic Management Group, at BPLO (Business Permit and Licensing Office) ng Pamahalaang Panlungsod.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa mga probisyon ng City Ordinance No. 36-09-2024, na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng publiko at matiyak na sumusunod ang mga tindahan ng paputok sa mga itinakdang regulasyon.
Patuloy ang paalala ng mga otoridad na maging maingat sa pagbili at paggamit ng paputok upang maiwasan ang anumang insidente sa panahon ng pagdiriwang.