Tindahan ng paputok sa Dagupan City dumaan sa inspeksyon; 11 dito nadiskubreng walang fire extinguisher

Kasabay ng paglulunsad ng “Adopt a Torotot Program ” ng PNP Regional Office 1, nagsagawa ng inspeksyon ang ahensya sa bentahan ng paputok sa lungsod ng Dagupan at labing isa dito ang nadiskubreng walang fire extinguisher na isa sa safety measures na inilatag ng Bureau of Fire Protection.
Ayon kay PBGEN. Joel Orduña, Regional Director ang inspeksyon ay hakbang upang masigurong sumusunod ang mga nagbebenta sa panuntunan sa paggawa at pagbebenta ng paputok.
Ilan sa mga nasita ng ahensya ang kakulangan sa tubig na nakastandby, buhangin at walang fire extinguisher na binantaan na ipapasara kung hindi magcocomply sa safety measures.
Kakasuhan din ang mga ito ng paglabag sa Executive Order No. 28 at Republic Act 7183.
Sinabi naman ni PCOL. Redrico Maranan, Provincial Director wala rin umanong pinayagan ang camp crame sa lalawigan ng Pangasinan ang magnufacture ng paputok kung kaya’t ang sinomang mahuhuli dito ay agad na kakasuhan ng ahensya.
Sa lalawigan ng Pangasinan pumalo na sa walo ang bilang ng firecracker related injury ayon sa Pangasinan Health Office.
###

Facebook Comments