Tindahan sa Cebu City, namimigay ng bigas at tsinelas kapalit ng basurang plastik

Courtesy Facebook/Alan Domingo

Nagbibigay ng libreng bigas, canned goods, tsinelas, at laruan ang isang tindahan sa Cebu City kapalit ng mga basurang gawa sa plastic.

Tinatanggap ng “Plastic Barter Store” ang iba’t-ibang recyclable plastic materials katulad ng bote, sachet, at junk food wrapper.

Ibinahagi ni Alan Domingo sa kanyang Facebook ang litrato ng nasabing tindahan.


Karamihan sa mga nagpapalit, mga nangangalakal ng basura.

Ang proyekto ay inilunsad ng 12 Baskets Movement sa pakikipagtulungan ng Rotary Metro Cebu District 3860 at JPIC-IDC Inc.

Layunin nitong mabawasan ang plastic usage sa lungsod.

May kailangan timbang ang mga materyales para mapalitan ito ng bigas, laruan, tsinelas, o pagkaing delata.

Ayon sa isang volunteer ng 12 Baskets Movement, gugutay-gutayin ang mga makokolektang plastic waste sa kanilang pasilidad sa Dumlog, Talisay City kung saan ihahalo ito sa mga semento para bumuo ng hollow blocks at maibebenta ito ng 12 pesos.

Sa ngayon, hindi sila tumatanggap ng mga basurang plastik galing sa malalaking kumpanya.

Bukas ang “Plastic Barter Store” mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 a.m. to 3 p.m. Ito ay matatagpuan sa Mabini Street, Cebu City.

Facebook Comments