TINDAHAN SA DAGUPAN CITY, NILOOBAN; HIGIT P13K NA CASH AT PRODUKTO, TINANGAY NG SUSPEK

Nilooban at tinangay ang pera at ilang produkto mula sa isang tindahan sa Brgy. Lucao, Dagupan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, madaling araw nang pasukin mag-isa ng suspek ang tindahan mula sa bakal na gate ng bahay ng 71-anyos na biktima.

Nakuha pa sa CCTV ang kilos ng suspek mula sa sapilitang paninira ng door knob ng tindahan hanggang sa pagtangay sa P13,056 na pera at 25 ream ng iba’t-ibang brand ng sigarilyo, maging ang unified at senior citizen ID ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng awtoridad para sa posibleng pagkakadakip sa suspek at pagkakarekober sa mga ninakaw sa tindahan.

Facebook Comments