Ang Siargao Recycling Art Studio, isang plastic shop at non-government organization, ay nagbibigay ng bias, spaghetti at pancake mix kapalit ng mga basurang plastik na makokolekta sa kanilang lugar.
Bukod sa bigas, spaghetti at pancake mix, pwede rin silang magbigay ng lapis, pantasa, mga crayon, notebook at ruler para sa mga estudyante.
Kabilang din sa pwedeng ipalit ang detergent powder kapalit ng styrofoam at mga plastik pati ang mga bote na hindi basag.
Layunin nito na mabawasan ang plastik sa kapaligiran, maging kaaya-aya ang karagatan at maayos ang lugar dahil itinuturing na itong dayuhan ng mga turista.
Bukas ang Siargao Recycling Art Studio mula 7:00 hanggang 11:00 ng umaga at nagbabalik naman ang oras ng operasyon simula 1:00 hanggang 7:00 ng gabi. Sarado naman ito tuwing Sabado at Linggo.