Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang isang kwarentay singko anyos na tindera matapos ang ikinasang Buy Bust Operation laban dito sa Urdaneta City.
Ang suspek ay nakilalang si Rizalyn Alejo residente ng Brgy. Camanang sa nasabing lungsod.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado alas otso ng Gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .15 grams at nagkakahalaga ng mahigit Isang libong piso.
Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso ang nasabing suspek. |ifmnews
Facebook Comments