Tindera at Driver, Timbog sa Drug Buy-bust Operation sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang katao sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga suspek na si Mary Ann Guntalilib, 48-anyos, biyuda, tindera at residente ng Brgy. San Nicolas, Bayombong at si Santiago Dagdagan Jr. alyas ‘ago’, 54-anyos, may-asawa,isang driver at residente ng Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ayon sa report, bandang 12:40 kahapon ng tanghali ng maaresto sa buy-bust operation si Guntalilib at nakumpiskahan ng P500 kapalit ang isang pakete ng hinihinalang shabu.


Nabatid na dati ng nahuli sa kaparehong kaso ang suspek noong taong 2016 at napasailalim sa Plea Bargaining hanggang sa nakalaya taong 2018.

Samantala, bandang 4:30 ng hapon ng mahuli si Dagdagan matapos mapagbentahan ng shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P1,000.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments