Tindera, Natimbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

499

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang tindera ng mga gadget sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad bandang 5:30 ng hapon kahapon sa Brgy. Baluarte, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Violeta Pinto, 33-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Victory Norte, Santiago City.


Positibong napagbentahan ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang isang pakete ng hinihinalang iligal na droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments