Tinderang nambabato ng paninda sa kasagsagan ng clearing ops, sinuntok ng enforcer

Screengrab from Angelhai Lopez's Facebook video

Sinuntok ng isang enforcer ang tinderang nambabato ng paninda habang may isinasagawang clearing operation sa Tarlac Public Market.

Halos mawalan ng malay ang hindi pa natukoy na tindera nang patulan ng isang enforcer, batay sa ini-upload na video ng Facebook user na Angelhai Lopez.

Bago ito, makikitang ilang ulit binato ng paninda ng ginang ang direksyon ng awtoridad na ‘di kalayuan.


Sinubukan pa siyang awatin ng mga enforcer at kapwa tindero, ngunit ilang sandali lang ay binato niya naman ang opisyal na malapit sa kanya.

Gumanti ang enforcer ng suntok na ikinatumba ng tindero na halos hindi makasagot noong inaalalayan ng mga tao sa paligid.

Ipinatawag na ng lokal na pamahalaan ang enforcer sa video.

Facebook Comments