Tindero, Arestado Dahil sa Iligal na Droga!

61

San Mateo, Isabela- Timbog ang isang lalaki sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sa isang compound sa Brgy. 1, San Mateo, Isabela pasado 11:00 kagabi, Hunyo 24, 2019.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jeramil Salamuding De Luna, 22 anyos, may asawa, tindero at residente ng Brgy.3, San Mateo, Isabela.


Una rito, humingi ng tulong sa pulisya ang Barangay Kapitan ng Uno na si Aries Visaya kaugnay sa pag-iingat ng suspek sa ipinagbabawal na gamot habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kamag-anak.

Agad namang rumesponde/umaksyon ang mga tauhan ng PNP San Mateo sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Nasa kustodiya na ng San Mateo Police Station ang nahuling suspek kasama ang nakuhang ebeidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers