TINDERO, BINAWIAN NG BUHAY SA LOOB NG PWESTO NITO SA PALENGKE

Binawian ng buhay ang isang 74 anyos na tindero sa loob mismo ng pwesto nito sa palengke sa bayan ng Malasiqui.

Ayon sa awtoridad, naninirahan nang mag-isa ang matanda sa kanyang pwesto kung saan ito nagbebenta.

Ayon naman sa anak ng biktima, mayroon umanong dinaramdam na hypertension ang matanda.

Wala naman umanong foul play sa sinapit ng matanda ngunit inaalam pa ang tunay na sanhi sa pagkamatay nito at sasailalim sa ang katawan nito sa isang necropsy examination. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments