Tindero na ‘High Value Target’, Timbog sa Pagbebenta ng Marijuana

13

Cauayan City, Isabela- Arestado sa ikinasang joint anti-illegal drug buy-bust operation ang isang tindero sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Byron Lampa, 25-anyos at tubong Brgy. Banggot sa nasabing bayan.


Positibong napagbentahan ng suspek ng isang (1) pakete ng pinatuyong dahon ng Marijuana ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska naman sa pag-iingat ni Lampa ang nasa kabuuang limang (5) pakete ng dried marijuana; P500 peso bill na ginamit sa transaksyon at pera nitong nagkakahalaga ng higit sa P5,000 at sasakyan na posibleng ginagamit rin sa iligal na transaksyon.

Nabatid na ang suspek ay kabilang sa PNP/PDEA watchlist at naikategorya na High Value Target.

Matatandaan namang dati na ring naaresto si Lampa dahil naman sa kasong Robbery taong September 2019 ngunit nakapagpiyansa.




Inaasahan naman ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) na sa pagkakahuli ni Lampa ay mababawasan na ang paglanagap maging ang pinagkukunan ng iligal na marijuana partikular sa Brgy. Homestead at mga kalapit rin na barangay ng Bambang.

Facebook Comments