TINDERO NA MAY KASONG FRUSTRATED HOMICIDE, TIMBOG SA ASINGAN

Naaresto ng mga tauhan ng Asingan Police Station ang isang 49-anyos na tindero na wanted sa kasong Frustrated Homicide.

Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte upang ipatupad ang sentensiya laban sa suspek.

Matapos maaresto, dinala ang indibidwal sa Asingan Municipal Police Station para sa dokumentasyon bago ito isailalim sa kustodiya ng korte.

Ayon sa pulisya, bahagi ito ng kanilang pinaigting na operasyon laban sa mga wanted person sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments