Tindero sa Baguio City, arestado matapos umanong dukutin, halayin ang isang dalagita

Handcuffs

Inaresto ang isang tindero matapos umano nitong dukutin at gahasain ang 11-anyos na estudyante sa Baguio City.

Ayon sa ulat, nakuhanan umano sa CCTV footage ng overpass ng Harrison Road ang pagsunod ng suspek na kinilalang si Nonog Pacle sa biktima.

Maya-maya ay nilapitan na raw nito ang biktima at hindi tinigilan hanggang sa makarating sa sakayan ang dalawa.


Dito na raw sumakay ng Taxi ang suspek kasama ang dalagita papunta sa bahay kung saan ginawa ni Pacle ang panghahalay.

Nasagip ang biktima sa bahay ni Pacle dahil na rin sa tulong ng CCTV at agad na hinuli ang lalaki.

Tinakot daw nito ang dalagita kaya napilitang sumama sa kanya bago mangyari ang krimen.

Samantala, nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na hindi naman nagbigay ng anumang pahayag.

Facebook Comments