Tindero sa Cabatuan, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

102

Cabatuan, Isabela – Nahuli ang isang tindero pasado ala una ng hapon matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Harold S. Daquioag, bente sais anyos, may asawa, isang tindero, at residente ng nabanggit na barangay.

Inaresto ng PNP Cabatuan si Daquioag sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Kirk M. Aniñon, Presiding Judge ng National Capital Judicial Region MTC Branch 44 Pasay City dahil sa kasong Estafa.

Samantala nasa kustodiya na ng PNP Cabatuan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng labingwalong libong piso.

Facebook Comments