TINDERONG PUSA? | Pusa na pinangalanang ‘Dog’ – sikat na fish vendor sa Vietnam

Vietnam – Agaw-pansin sa isang talipapa sa Vietnam ang fish vendor na hindi tao, kundi pusa!

Paano ba naman kasi, cute na cute ang 3-year-old cat na si “Dog” sa suot niyang costume na parang totoong negosyante ang dating.

Di gaya ng ibang pusa na nagnanakaw ng isda, si Dog, relax lang na nagbabantay sa paninda nila ng kanyang amo.


Ayon kay Le Quoc Phong, simula nang isama niya sa pagtitinda si Dog, dumami na ang kanyang suki at laging ubos ang kanyang tinda.

Samantala, Dog raw ang ipinangalan niya sa kanyang pusa dahil parang aso raw ito kung huminga at kumilos.

Mahilig daw si Dog sa ice cream at maraming girlfriend.

Samantala, umabot na rin hanggang China at Thailand ang kasikatan ni Dog.

Facebook Comments