Tindero’t Tindera sa Primark Cauayan, Muling Nakiusap sa LGU sa Usapin ng Joining Fee

*Cauayan City, Isabela*- Hiniling ng mga nagmamay-ari ng pwesto ng Private Market sa Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang pagbibigay muli ng palugit sa kanilang pagbabayad ng Joining Fee sa pamunuan ng Primark Cauayan.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, personal na nagtungo sa kanyang tanggapan ang ilang mga old at new tenant sa Private Market upang makiusap na pagbigyan muli sila sa pagbabayad sa susunod na buwan dahil sa matumal na bentahan.

Matatandaang hiniling ng mga tenant ang pagbabayad ng renta pagkaraan ng (10) sampung taon pero hindi ito lumusot sa kanilang pakiusap dahil ilan tanging limang taon (5) lang ang pinaboran ng nasabing kumpanya.


Sinabi pa ni Mayor Dy, na uunahin ng magbayad ang new tenant sa pagbabayad ng joining fee na P60,000.00 na babayaran sa loob lamang ng anim na buwan.

Nangako naman si Mayor Dy na magbibigay ang Lokal na Pamahalaan ng tulong pinansyal sa mga ito sa tuwing ikalimang-taon para makatulong aniya kahit papaano sa pamilya ng mga tenant.

Tiniyak naman ni Dy na sa pamamagitan ng dayalogo sa pagitan ng Primark Cauayan at City Government ay malilinawan ang mga vendors.

Facebook Comments