TINDI NG TAG-INIT | Maalinsangang panahon, paghandaan na

Manila, Philippines – Maghanda pa rin sa maalinsangang panahon ngayong araw.

Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang temperatura sa Cabanatuan, Nueva Ecija habang nasa 40 degrees Celsius naman sa Tuguegarao.

Asahan naman ang mahihinang ulan sa Bicol region habang may thunderstorms sa Northern at Central Luzon.


Nakakaapekto naman ang easterlies sa silangang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao.

Mainit at mababa ang tiyansa ng ulan sa Metro Manila.

Kahapon, pumalo sa 50.2 degrees celcius ang naramdamang init o heat index sa Cabanatuan.

Nasa 46 degrees Celsius naman ang heat index sa San Jose, Occidental Mindoro.

Sunrise: 5:44 ng umaga
Sunset: 6:09 ng hapon

Facebook Comments