Tindig Pilipinas kontra karahasan sa Duterte Administration, pormal nang inilunsad ngayong araw

Manila, Philippines – Nanawagan ang Tindig Pilipinas, na kinabibilangan ng ibat-ibang organisasyon kontra karahasan sa Duterte Administration na magkaisa upang labanan ang patuloy na kaguluhan, at pang-aabuso sa karapatan ng mga mamamayan.

Nakakabahala anila ang patuloy na patayan na resulta ng war on drugs ng pamahalaan.

Hinikayat nito ang sambayanan Pilipino na tumindig sa labing dalawang libong taong namatay sa war on drugs, sa pang-aabuso sa katapatang pantao, para sa West Philippine Sea, para sa mga kababaihan at iba pang isyu ng bayan.


Sinabi rin ng mga convenors ng Tindig Pilipinas na hindi sila papayag na muling mabawi ang kalayaan ng mga Pilipino at sila daw ay titindig kontra batas militar kung sakaling ipatupad.

Facebook Comments