Tingi-tinging asukal sa mga palengke at sari-sari store, patok sa mga mamimili kasunod ng mahal na presyo ng asukal

Kanya-kanyang diskarte na ang mga tindero’t-tindera sa mga palengke at sari-sari store upang maging abot kaya sa mga mamimili ang ibinebentang asukal.

Kasunod na rin kasi ito ng mataas na presyo ng asukal sa merkado na aabot 80 hanggang 100 pesos kada kilo.

Sa isang sari-sari store ay nirerepack na washed sugar sa halagang 10 piso para sa tatlong timpalahan ng kape at dalawang piso naman para sa isang kutsarang asukal.


Hati naman ang naging reaskyon ng mga mamimili kung saan ang iba ay nabibitin sa tinging asukal para gawing panimpla sa pang-araw-araw na pagkain.

Sa ngayon, tanging sa tatlong malalaking supermarkets lang bumagsak sa 70 pesos ang kada kilo ng asukal kung saan isang kilo lang kada konsyumer ang pwedeng kuhanin.

Mababatid na pumayag ang Robinsons Supermarket, SM Supermarket at Puregold Supermarket na mananatili ang naturang presyo sa asukal habang hindi kasama ang S&R Membership Shopping dahil ito ay nagbebenta ng wholesale.

Facebook Comments