Nais na ring ipagbawal ng Department of Health (DOH) ang tingi-tinging pagbebenta ng sigarilyo.
Ito ay bahagi ng rekomendasyon ng UN Inter-Agency Task Force on Prevention on Non-Communicable Diseases.
Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, dapat lamang na kada pakete nabibili ang mga sigarilyo upang hindi ito madaling bilhin ng mga bata.
Tiwala si Domingo na kapag ipinagbawal ito ay mas kakaunti na ang gagamit ng sigarilyo.
Isinusulong din na gawing 21-years old ang pwedeng bumili ng sigarilyo imbes na 18-anyos.
Sa datos ng Global Youth Tobacco Survey noong 2015, lumabas na 12% ng mga estudyante ang nagyoyosi.
Facebook Comments