TINGNAN: 80 pythons, nadakip sa taunang ‘Python bowl’ sa Florida

SOUTH FLORIDA- Umabot sa 80 Burmese pythons ang nahuli sa loob ng 10 araw sa ginanap na 2020 Python Bowl, o ang labanan ng paghuli ng naturang ahas na ginagawan taun-taon.

Sa inanunsyo ng Florida Fish & Wildlife Conservation Commission, ang Python Bowl ay isang palaro sa Florida na may layong tanggalin o alisin ang mga python habang itinataas ang kamalayan tungkol sa mga ‘nonnative species’ o mga di katutubong hayop sa lugar.

Mahigit 750 katao mula 20 states ang lumahok sa naturang kompetisyon kung saan magwawagi ang may pinakamaraming ahas na mahuhuli.


Sa ilang araw na palaro, ang pinakamabigat na python ay nasa 62 pounds samantalang umabot naman sa 12ft o 7.3 inches ang pinakamahabang ahas na nadakip.

Nagwagi ang isang kalahok at kilalang python hunter na si Mike Kimmel ng grand prize sa pagkakahuli niya ng walong ahas.

Nanalo rin si Kristian Hernandez sa pagkakadakip ng anim na pythons kabilang na ang isa na may habang 11ft.

Nag-uwi rin ng panalo si Tom Rahill dahil siya ang nakadakip ng parehong pinakamabigat at pinakamahabang python sa 10-day hunt.

Ang Florida Fish & Wildlife Conservation Commission ay nagsimulang magkaroon ng ganitong palaro para lamang maialis ang mga naturang ahas para hindi na rin ito makapangitlog pa.

Facebook Comments