TINGNAN: Babae, nag-set up ng Christmas lights na hugis higanteng ari sa bubong ng bahay

3116
Facebook/Shelby Lynn Gash

Tiyak mapapasama sa naughty list ni Santa ang isang babaeng naglagay ng higanteng ari sa bubong ng bahay gawa sa Christmas lights.


Agaw-pansin ang dekorasyon ni Shelby Gash na gumising–at sumira naman sa gabi ng ilang residente sa Lenexa, Kansas sa US.

“Sorry neighbors… I felt the need to make a giant dick on the roof,” saad ng pilyang 24-anyos sa kanyang post sa Facebook noong Disyembre 5.

Diretsahan din sumagot si Shelby sa mga TV news crew na nag-uulat ng mga reklamo ng kanyang kapitbahay tungkol sa disenyong ari na gawa sa ilaw na may habang 60 feet.

“It’s a giant glowing dick,” pahayag niya sa WDAF bilang sagot sa mga galit na kapitbahay.

“People think it’s hilarious. People are stopping in the middle of the night taking photos and laughing. People think it’s so much fun,” giit ni Shelby.

“I think there’s a lot more laughter than it’s bringing out anything uncomfortable,” dagdag pa niya.




Ngunit hindi lahat ay ikinatuwa ang dekorasyong ito.

Tinanggal din ang pailaw makalipas ang apat na araw mula nang ikabit matapos bumuhos ang reklamo.

“Sorry if this is really bothering people. I’m just trying to make a laugh,” ani Gash.

Facebook Comments