TINGNAN: Babaeng nakikipaghalikan sa iba’t ibang lalaki around the world, viral

(Image: Screenshot on Twitter of Kristiana Kuqi)

Viral online ang isang babae mula Balkan, Europe matapos kumalat ang iba’t ibang larawan niya na nakikipaghalikan sa mga hindi kilalang lalaki habang iniikot ang mundo.

Una nang ibinahagi sa Twitter ni Kristiana Kuqi, 23 ang retrato niya kasama ang isang estranghero sa harap ng Eiffel Tower sa Paris.


Kung titingnan mabuti, mistulang magkasintahan ang dalawa dahil sa mala-romantikong pagkakataon sa harap ng isa sa pinakapaboritong lugar ng mga couples.

Sabi niya sa kanyang caption, “I hope this guy I met at the Eiffel Tower and asked for a pic of us kissing so I could pretend I had a romantic time in Paris is doing good.”

Saka niya inaming, hindi niya kilala ang naturang lalaki.

Matapos ang ilang minuto, isa na namang larawan na nakikipaghalikan sa bagong lalaki sa harapan ng isang Colosseum sa Rome ang ibinahagi ng dalaga.

At kagaya nang nauna, isa rin itong estranghero.

Sabi niya sa kanyang caption, “I hope this one from Rome is good too.”

Hindi pa riyan nagtatapos ang kissing scene ni Kuqi dahil sa pangatlong larawan ay makikita naman ang isang lalaki na mistulang firefighter na nakaupo pa sa truck ang hinalikan din niya.

Aniya, ang naturang kuha ay mula naman sa Kentucky.

Agad na nagtrending online ang mga larawan at umabot pa sa mahigit 65K retweets at halos 2K comments.

Marami rin ang nagbigay ng komento na karamihan ay mga kababaihang may kaparehong karanasan sa tuwing sila ay nagta-travel.

Nang makapanayam naman ng Fox News si Kuqi, sinabi nitong hindi niya inakalang papatok ang kanyang ginawa.

Ibinahagi ng dalaga na noon pa man ay mayroon na siyang “bold personality” at nais lamang niyang maipakita kung gaano siya ka-confident sa sarili.

Kinuwento rin ni Kuqi na pangarap niyang magkaroong ng kissing moment sa harap ng Eiffel tower.

“Ever since I was young I imagined myself having a picture with a kiss there,” aniya.

Dagdag niya, “I had planned this kiss weeks before I went to Paris and was studying abroad at the time. I had a friend come with me to Paris and she thought it was crazy and didn’t think I would actually do it.”

Mayroon naman siyang iniwang mensahe para sa mga kababaihan.

“With confidence, you can really do whatever you want. All you need to do is ask. Women shouldn’t deny themselves what they want because they are afraid of judgment,” huli niyang sinabi.

Facebook Comments