TINGNAN: ‘Big devil face’ lumitaw sa malawakang bushfire sa Australia

Image from Craig Calvert

SANSFIELD, AUSTRALIA – Usap-usapan ngayon sa internet ang makatindig-balahibong imahe ng “demonyo” na biglang lumitaw sa usok mula sa malawakang bushfire.

Umani ng libu-libong shares at reaksyon sa netizens ang agaw-pansin na retratong ibinahagi ni Craig Calvert sa social media.

Aniya, kuha ito ng kaibigan na kasama niyang lumilikas sa bayan ng Sarsfield noong nakaraang linggo.


“I’m not really into hokey pokey spooky stuff but there’s a big devil face right in the fire,” ani Calvert.

Kuwento ng mambubukid, limang beses na silang muntik lamunin ng apoy at 13 oras nang nakikipaglaban sa sunog.

“We had fireballs coming over, jumping. Some of them were 50 metres to 100 metres across. I’m shaking like a leaf because I know what we’re in for. It’s coming back,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, nanawagan siya ng agarang tulong kay Australian Prime Minister Scott Morrison.

“Mr Morrison, please throw your gloves on and come down here and see me.

“I’ve got an extensive network who can help with knowledge of the bush and how the Australian environment is actually meant to run. It does not run on paperwork,” mensahe ng residente sa pinuno.

Sa huling datos, nasa 30 katao ang namatay at mahigit 1,500 pamilya ang apektado ng sakuna.

Mas lumala raw ang sunog bunsod ng init at climate change na umano’y sanhi ng paglaganap ng kalamidad.

Facebook Comments