TINGNAN: Dating Mayor Antonio Sanchez, nananatili pa din sa New Bilibid Prison

591
Contributed photo

Mariing itinanggi ni Bureau of Corrections (BuCor) director Nicanor Faeldon ang impormasyong kumakalat sa internet na nakalaya na si dating mayor Antonio Sanchez.

Sa kuha ng mga litratista mula sa view deck ng New Bilibid Prison (NBP), makikitang naglalakad si Sanchez, 73, kasama ang isang preso sa maximum security compound ng naturang kulungan.


Nakasuot ng kulay orange na polo, brown na pantalon, at itim na sapatos ang dating alkalde.

Pinayagan mismo ni Faeldon na masilayan at makuhanan ng mga mamamahayag si Sanchez.

Usap-usapan ngayon sa social media na noon pa man, labas-pasok na ng bilangguan ang convicted murderer at rapist. Nakita rin umano siya sa kaniyang tirahan sa Calauan, Laguna noong Hunyo.

(BASAHIN: Dating Mayor Sanchez, walang ibinayad ni-isang kusing sa pamilya Sarmenta)



(BASAHIN: Nakatakdang paglaya ni dating mayor Antonio Sanchez, kinondena ng publiko)


Siniguro naman ni Faeldon na mananatili sa loob ng bilibid si Sanchez at patuloy pa ding pagbabayaran ang nagawang krimen noong Hunyo 1993.

Facebook Comments