TINGNAN: Dugyot na Estero de Binondo noon; malinis na ngayon

Image via Facebook/Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC)

Tuluyan nang nagbago ang hitsura ng Estero de Binondo sa lungsod ng Maynila na dating ubod ng dumi at baho bunga ng matiyagang paglilinis at pagbabantay ng Pasig River Rehabilitation Center (PRRC).

Sa Facebook page ng PRRC noong Miyerkules, mapapansin ang malinaw na pagbabago sa naturang estero at repleksyon ng kulay bughaw na langit sa tubig nito.

Ayon sa PRRC, naglagay sila ng mga halaman sa tabing-ilog na makatutulong sa pagfi-filter ng tubig sa estero.


“The plants along its riverbanks, installed by the PRRC, aim to improve the estero’s water quality through phytoremediation which is the use of plants like Bandera Espanola, Vetiver, and Heliconia which are scientifically-proven to absorb pollutants and heavy metals to naturally filter the water,” saad ng ahensiya.

Siniguro din ng PRRC na tuloy-tuloy ang kanilang clearing operations para mapanatili ang kalinisan ng Estero de Binondo.

Isasagawa ng tinaguriang PRRC River Warriors, sa pangunguna ni Executive Director Jose Antonio Goitia, ang clean-up drive araw-araw.

Facebook Comments