Maaari nang magdamit bilang Pangulo ng Pilipinas ngayong Halloween dahil sa Rodrigo Duterte mask na ibinibenta online.
Mabibili sa shopping site na Amazon mula sa tindahang Caili’s Company ang tinawag na “Rodrigo Duterte Rodi DU30 Philippines President Halloween Adult Latex mask” sa halagang $32.99 o nasa P1,700.
Inilarawan ito na “excellent realistic craftmanship”, ngunit hindi nga lang ipinadadala sa Pilipinas.
Hindi naman minasama ng Palasyo ang maskara, sa halip ikinatuwa pa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
“Amusing…talagang tinatakot ‘yung mga criminal eh,” ani Panelo.
“‘Pag ikaw eh nagiging topic na sa lahat, niloloko ka, it means you have arrived. Otherwise, hindi ka papansinin,” dagdag niya.
Facebook Comments