TINGNAN: Estudyanteng kinarir ang Sarimanok costume, gumamit ng buhay na manok

Janelle Sandoval/Facebook

Literal na binigyang-buhay ng isang estudyante sa Cebu ang kanyang costume sa selebrasyon ng Buwan ng Wika sa kanilang paaralan.

Sa video na iniupload ni Marlou Sanoy sa Facebook, inirampa ni Janelle Sandoval ang kanyang Sarimanok-inspired costume na agaw-pansin dahil buhay na manok ang nagsilbi niyang headdress.

Kuwento ng uploader sa CDN, kinapos na silang magkakaibigan sa oras para kumpletuhin pa ang costume.


Bongga naman ang pakulo ni Sandoval na nakaisip kunin ang manok ng kanyang tatay.

Pinabilib ng magkakagrupong first year education students ang buong University of the Visayas – Dalaguete campus.

Sa ngayon ay mayroon nang 1.9K shares ang video ni Sanoy at Sandoval.

Facebook Comments