TINGNAN: ‘Firevase’ flower vase na ginawang fire extinguisher

Courtesy: SAMSUNG

Nakagawa ang isang ahensya sa South Korea ng konsepto ng fire extinguisher na madaling gamitin lalo na para sa mga mabilis mataranta, makakalimutin o kaya’y hindi marunong gumamit ng fire extinguisher.

Dinisenyo ng Cheil Worldwide, subsidiary ng Samsung Group, ang “firevase” o flower vase na naglalaman ng liquid potassium carbonate, na magb-block ng oxygen, dahilan para mapuksa ang apoy.

“At the early stage of fire-fighting, a fire extinguisher is equivalent to one fire engine,” ani Hwang Seong-phil, associate creative director ng Cheil Worldwide.


“However, people don’t remember where they put it and cannot find it when they need. So we came up with the idea of making a fire extinguisher which people can always keep handy in the home.”

Sa oras na mabasaga ng vase, 770 ml ng likido ang lalabas dito.

Hindi rin delikado ang vase dahil gawa ito sa polyvinyl chloride (PVC) na makaiiwas sa panganib ng mga nabasag na piraso.

At gaya ng normal na vase, maaari itong paglagyan ng bulaklak.

Facebook Comments