TINGNAN: Gasolinahan sa Pampanga, nasunog dahil sa nagliyab na compressor

792
Video courtesy of Auvi Sales

MABALACAT CITY, PAMPANGA – Natupok ang isang bahagi ng gasolinahan sa MacArthur Highway, Barangay Cacutud dito, pasado alas-6 ng gabi nitong Martes.

Batay sa imbestigasyon, biglang nagliyab ang isang compressor habang nagkakarga ng gasolina ang isang empleyado ng RG Gasoline Station na naging ugat ng sunog.


Nagtamo ng lapnos sa magkabilang binti ang isang tanker truck driver na kinilalang si Abraham Gantan.

Agad naman rumesponde ang mga bumbero galing sa Mabalacat at Angeles City Fire Station at naapula ang apoy isang oras makalipas.

Patuloy na inaalam ang halaga ng natupok na establisyimento.

Nakunan ng isang netizen ang nangyaring sunog na tanaw hanggang Subic-Clark-Tarlac Expressway.

Facebook Comments