TINGNAN: Hikaw na gawa sa plastic bottles

Courtesy Facebook/Brandon Kent Domingo Braza

Sinusulong ngayon ng iba’t-ibang environmental advocates ang mga proyekto upang tuluyan mabawasan ang konsumo ng plastic sa bansa. Ilang establisyemento na rin ang hindi nagpapagamit ng plastic bags at straws.

Pero ang isang residente mula sa Bacolod City, may kakaibang diskarte para makatulong kay Inang Kalikasan.

Sa mga litratong ibinahagi ni Brandon Kent Domingo Braza, makikita ang mga nakamamanghang hikaw na kanyang ginawa gamit ang plastic bottles.


 

“Recycled earrings. Made from used plastic bottles. I will be selling these as soon as I’m done planning for the designs and experimenting on the materials. I want to focus more on single-use plastics.”, mensaheng isinulat ni Braza sa kanyang Facebook account.

Pinag-aaralan din ni Braza kung ano pa ang magandang disenyo para sa mga nililikhang accessories.

“Looking forward to create accessories using sachets, plastic spoons, plastic straws and etc”, dagdag pa niya.

Pinasalamatan din niya ang mga kaibigang sumusuporta sa kanyang obra maestra. Naniniwala si Braza na balang araw hihinto ang publiko sa paggamit ng mga nasabing harmful chemicals.

Facebook Comments